27 Jan 2010

            Ang Alternative Learning System o ALS ay ang nagbibigay ng Accreditation and Equivalency Test  o A and E Test sa mga batang out-of-school-youth o yung mga hindi na nag-aaral.Ang A  and E Test ay isang uri ng exam na kung saan ay kapag naipasa ng Learner ito ay magkakamit siya ng diploma na pwede nyang gamitin sa pag-aaral sa high school o college sa lahat ng paaralan pribado man o pampubliko.May dalawang level ang A and E exam ang Elementary level At ang Secondary level kung saan ay rehistrado ka ng graduate sa DepEd kapag naipasa mo ang level na kinuhaan mo ng exam.May mga kwalipikasyon para makakuha ng A and E exam.Narito ang mga kwalipikasyon para sa gustong kumuha ng Elementary level;
             1.Dapat ay hindi nag-aaral o out-of--school youth.
             2.Nasa edad 11 pataas ngunit hindi pa nakatapos ng pag-aaral sa elementarya
             3.Dapat ay pumasok sa mga ALS learning center sa inyong Brgy at makakuha ng registration form sa inyong mobile teacher.
            Narito naman ang mga kwalipikasyon para sa mga gustong kumuha ng Secondary level;
             1.Dapat ay hindi rin nag-aaral
             2.Nasa edad 15 pataas ngunit hindi pa nakakatapos ng  High school
            3.  Dapat ay pumasok sa mga ALS learning center sa inyong Brgy at makakuha ng registration form sa inyong mobile teacher.
            Libre po ang pagkuha ng A and E exam makipag-ugnayan lamang po sa mga DepEd officials sa lugar ninyo kung may kakila o kamag-anak kayo na nais pumasok sa programa ng ating gobyerno.
           Dati rin akong out-of-school-youth at ang akala ko ay hindi na ako makakatapos dahil sa edad ko.Salamat na lang at may programang ganito ang ALS ,nag-take ako ng A and E noong 2003 mabuti at naipasa ko naman .Ngayon isa na kong graduate nurse.Kaya kung nais nyo ring maging katulad ko join na sa proram na ito.Pwede kayong magtanong sa kin isulat nyo lang ang inyong mensahe sa comment sa ibaba.
          

No comments: